Biyernes, Hunyo 3, 2016

ANG HINAHANAP KONG PANGULO

Credit to :

Ang Page ni Prop
https://www.facebook.com/Ang-Page-Ni-Prop-742282709203760/?notif_t=fbpage_fan_invite&notif_id=1464998966031866


* * * *

Naghahanap ako ng pangulo.
Isang pangulo na mamumuno sa pamahalaan nang maayos. Ayoko ng pangulo, na animo’y si Spiderman na susugpuin ang kasamaan sa sanlibutan, na papasok sa isang grand entrance, kasabay ang palakpakan, na gugulpihin ang mga masasama, at itataguyod ang kabutihan. Ang gusto kong pangulo ay hindi tinitingnan ang sarili bilang bida sa pantasyang good versus evil forces. Sa cartoons lang nangyayari iyon. Naghahanap ako ng pangulo, hindi tagapagligtas.
Kung tayo ay isang bayang kailangan pa ng isang tagapagligtas, para lang matigil ang mga tao na mangupit sa kaban ng bayan, matutong pumila ng tama, at huwag magtapon ng basura kung saan-saan, kahit sinong tagapagligtas ang dumating, wala pa ring mababago. Kung ang balak natin ay hayaan ang iniintay na tagapagligtas na iayos ang gobyerno, habang tayo ay nanonood at pakuya-kuyakoy, tama lang siguro na mabulok ang mga Pinoy sa kahirapan. Kung kailangan pa natin ng tagapagligtas para umayos, talagang hanggang dito na lang tayo.
Ang hinahanap kong pangulo ay taong naniniwala hindi lamang sa kanyang kakayahan, kundi sa kakayahan din ng mga Pilipino, na iahon ang kanilang sarili at makamit ang magandang buhay, mula sa kanilang sariling mga kamay, at hindi regalo ng isang Superman. Isang pangulo na bibigyan ng inspirasyon ang buong lipunan, para muling maniwala sa kanyang sarili at kumilos bilang isa, sa kabila ng ating pagkakaiba-iba. Isang pangulo na hihimok na tayo ay magkaisa, ngunit kayang igalang ang hindi kayang sumama.
Naghahanap ako ng pangulo, hindi santo. Hindi ako naghahanap ng pinuno na walang kamalian; walang ganoon. Ang hinahanap ko ay pangulo na aaminin at tatanggapin ang kanyang kahinaan para maitama, at hindi pagtatakpan ang kanyang mga pagkakamali para lang mapanatili ang imahe ni pogi.
Ang gusto kong pangulo ay taong tutulungan ang mga tao na unawain ang ugat ng kanilang kahirapan, at tutulungan silang hanapan iyon ng tunay na lunas na pangmatagalan, hindi panandaliang pang-aliw at panlibang para makalimot sa kinalulugmukan. (Bigyan ng jacket ‘yan!).
Naghahanap ako ng pangulo na ibabalik ang kapangyarihan sa kamay ng mga mamamayan, para tulungan ang kanilang mga sarili, at hindi lang magpapamigay ng regalo at pabuya para mapanatili ang kahibangang siya lang ang pag-asa sa buhay.
Naghahanap ako ng pangulo na bubuuin ang ating mga institusyon sa pamahalaan, para mapanumbalik ang paniniwala ng tao sa kanila, at papaganahin sila para pagsilbihan ang lahat ng mamamayan, nang hindi kailangan ng padrino o lagay. Isang pangulo na gagamitin ang mga sangay ng pamahalaan para gawing daluyan ng tulong sa mga tao, at hindi gagawing palabigasan ng mga tumulong sa halalan. Pangulo na gagawa ng proyekto dahil may pangangailangan, hindi para sa kodakan.
Naghahanap ako ng pangulo na kayang humindi sa mga tao dahil mali, at hindi basta umaayon sa marami dahil lang sa sila ay marami. Naghahanap ako ng pangulo, na kayang tumanggi sa kaibigan, kapag ang interes ng bayan ang tinatamaan.
Naghahanap ako ng pangulo na matalino, ngunit may pakiramdam. Matigas, pero handang makinig. Nakikinig, pero hindi uto-uto. Napagpapayuhan, pero hindi kayang gatungan.
Naghahanap ako ng pangulo na malawak ang isip, dahil sa pag-unawa sa kasaysayan, sa pamamahala at sa tunay na damdamin ng bayan, at hindi pang-ibabaw na pagiging bibo, dala ng diploma, plake, o titulo.
Naghahanap ako ng pangulo na sikat dahil magaling, at hindi iyong magaling dahil sikat.
Naghahanap ako ng pangulo na ang tingin sa posisyon ay pagtitiwala ng taongbayan, at hindi bahagi ng manahan.
Naghahanap ako ng pangulo na hindi malalasing sa kapangyarihan at kayamanan, na laging nakaapak at nakadikit ang tainga sa lupa, at hindi mapapaniwala na ang kapakanan ng bayan at ang kanyang kapakanan ay iisa.
Naghahanap ako ng pangulo na ang iniisip ay “kayo, kayo, kayo”, at hindi “ako, ako, ako”.

From Facebook - SPM :

Ang page ni Prop

https://www.facebook.com/Ang-Page-Ni-Prop-742282709203760/?notif_t=fbpage_fan_invite&notif_id=1464998966031866
.

Miyerkules, Hunyo 1, 2016

A Silly Election Protest

Narito po ang ilang detalye Ng election protest na inihain laban Sa team Marquez Roxas.
1. Enrico Roque vs Celestino Marquez. Election case no 06-M-2016
2. Richard Roque vs Napoleon Roxas. Ec no. 05-M-2016.
3. Ysrael Marcos vs Gavino Austria, Henry Marquez, Vicente gatuz, Rolando Cruz. Ec case no. 07-M-2016.4. Engracia Mauricio vs Gavino Austria, Henry Marquez, Vicente Gatuz, Rolando Cruz. Ec no. 08-M-2016
5. Jerome Marquez vs Gavino Austria, Henry Marquez, Vicente Gatuz, Rolando Cruz. Ec no. 09-M-2016.
Ang mga nasabing kaso ay kasalukuyang nakahain sa branch 20 at 81 Ng Regional trial court sa Malolos, Bulacan
Narito naman po ang buod ng alegasyon laban sa Team Marquez Roxas na nakasaad sa nasabing mga protesta:
"Ang resulta ng halalan ay maaaring naiba at ang nagpoprotesta (protestant) ay dapat sana ay nanalo kung ang mga pandaraya, anomalya, iregularidad sa halalan at mga ilegal na gawain ay hindi ginawa ng ipinoprotesta (protestee), ng kanilang kasamahan at mga taga-suporta, nang may sabwatan sa isa't isa:
1. Ang mga Vote Counting Machines sa lahat ng clustered precincts ay minanipula upang huwag basahin ang mga boto para sa nagpoprotesta at para paburan ang ipiinoprotesta;
2. Ilang araw bago ang halalan noong Mayo 9, 2016, ang mga kasamahan at bataan ng ipinoprotesta ay nagsagawa ng malawakang pamimili ng boto sa lahat ng barangay sa Pandi, Bulacan. Ang malawakang pamimili ng boto ay isinagawa sa pamamagitan ng mga lider sa barangay na kilalang mga taga suporta ng ipinoprotesta;
3. Noong araw ng halalan, ang mga taga suporta ng nagpoprotesta ay pinigilang makaboto ng mga kasamahan ng ipinoprotesta, at ang indelible ink ay inilagay sa kanilang daliri ng saplitian kahit hindi pa sila nakakaboto. Dahil dito ang mga botante na kilalang taga suporta ng nagpoprotesta ay hindi nakaboto sa araw ng halalan. (Isinalin mula sa wikang Ingles ng election protest)
Ang mga nasabing election protest ay naglalayon na mabilang uli ang boto ng halalan (revision of ballot and recounting of votes), at mapawalang bisa ang proklamasyon ng mga ipinoprotesta, at sa halip ay maiproklama ang nagpoprotesta bilang siyang nanalo sa halalan noong Mayo 9, 2016.
Magantabay po sa mga susunod na pabatid sa mga kaganapan Sa mga kasong ito.

The Danger of Quarrying

by Danilo C. Israel
*The author is Ph.D. in Resource Economics and Senior Research Fellow at the Philippine Institute for Development Studies (PIDS). 

Quarrying has been going on for many years in the Philippines in support of the country’s infrastructure and overall economic development. The most important products of this activity are rock aggregates, colloquially known as sand and gravel (Martin and Discipulo 1996). For the 1985- 1998 period, the average annual national sand and gravel production was valued at approximately P4 billion. Said production formed a significant 39.33 percent of the nonmetallic mineral output and 14.49 percent of total mineral production (Table 1). In addition, the shares of sand and gravel output to nonmetallic mineral and total mineral production generally have been increasing, further  manifesting the importance of quarrying to the mining industry.

While quarrying is important, it is also a major natural resource extractive sector that causes significant environmental problems. These problems are now only beginning to be understood. Unlike in mining where operations are generally large-scale and the degradation impacts are obvious, operations in quarrying are relatively small-scale and the effects are less evident. Moreover, in the minds of many people, quarrying is only a secondary component of the entire mining industry.

Recently, the environmental problems related to quarrying were brought to the forefront by widespread multi-sectoral protests against its destructive effects in the municipalities of Rodriguez and San Mateo in the province of Rizal. The protest actions eventually led to the suspension of quarrying operations in the area for several months in 1998 until early 1999 (Martin 2000). The activity was later allowed to resume, but only under very strict guidelines and preconditions set by the Department of Environment and Natural Resources (DENR). Environmental impacts of quarrying Basically, there are two types of quarrying operations, namely, mountain quarrying and river quarrying. Both have potentially significant negative environmental

Environmental impacts of quarrying.

Basically, there are two types of quarrying operations, namely, mountain quarrying and river quarrying. Both have potentially significant negative environmental impacts. In the case of mountain quarrying, the activity results in the scraping of the upland topsoil and vegetation and the destruction of the aesthetic value of the quarried area. River quarrying, on the other hand, leads to the uneven deepening of the riverbeds and the destruction of the riverbanks. Both types of quarrying further cause soil erosion, pollution, siltation and the flooding of downstream bodies and areas. In addition to these, quarrying operations produce dusts along their transportation routes and noise pollution in quarry sites, much to the detriment of the affected population. A recent study in Palawan for the Impact of Macroeconomic Adjustment Policies on the Environment (IMAPE) Project by Israel, Sandalo and Torres (2001) confirmed the negative environmental impacts, particularly of river quarrying. Using Rapid Rural Appraisal (RRA) methods, the authors found that both the quarrying firms and the households affected by the activity in the province recognized the occurrence of various environmental problems associated with the activity. Furthermore, a significant number of households believed that they suffered from the ill effects of quarrying and that quarrying operators are not doing enough to address the problems.



Please read more at the below link :

http://www.pids.gov.ph/


* * * * 

QUARRYING IN PANDI BULACAN


Quarrying started in the town of Pandi in the 1970s during the time of Andres Dynasty, During that time only hills (gulod) were quarried and as I remembered the quarried land from Pandi was first used as top soil in the construction of Manila North Diversion Road now named North Luzon Expressway.

As per some posting in Facebook and from my interviews of some legitimate residents of Pandi, the quarrying in Pandi is now rampant and unregulated, the quarrys depth is almost the same height of bamboo trees, so the depth is from 20 to 50 meters. 

Recently there were some reports in Facebook that the quarried land is so dangerous that some houses adjacent to quarys may collapse anytime.  Also the NHA "pabahay" adjacent and or in the vicinity of quarrys were in danger.



Photos of quarrying business in Pandi.








* * * * * 

Related postings in Facebook about Quarrys in Pandi








* * * * *

YouTube Videos



Quarrying in Pandi Bulacan 



Pandi - Exodus


Pandi Aming Bayan