Sabado, Abril 23, 2016

The unfinished Pandi District Hospital located in Barangay Bunsuran 1st, Pandi Bulacan


The below posting is for the sake of transfarency and accountability in the government,  so that the people will know some of the issues affecting the local government of Pandi. The administrator of this blog, who is a cause-oriented activist and a non-partisan individual is not in anyway politicizing the below mentioned case in the Ombudsman.

Copied  from Face book :


Quote

GERARDO REYES, ET. AL. versus ENRICO ROQUE, ET. AL.
Criminal Case No. OMB-L-C-16-0097
Administrative Case No. OMB-L-A-16-0102
Ang sumusunod po ay halaw sa nilalaman ng Complaint-Affidavit na isinagawa noong 06 January 2016 ng mga nagsampa ng reklamo sa Ombudsman sa nasabing mga kaso. Para po sa mas malinaw na paglalahad, minabuti ko pong isalaysay ang mga di-umano ay naging pangyayari ayon sa petsa kung kailan sila naganap. Ang mga pangungusap po na nakapaloob sa mga parenthesis ay mula po sa akin para po lamang higit na malinawan ng nagbabasa. Sa kasalukuyan, ang nasabing mga kaso ay naka-pending po sa Ombudsman.
FACTS OF THE CASE
02 FEBRUARY 1993
Ipinagbili ni Peregrina Ramos Lorenzo ang dalawang parsela ng lupa na kapwa matatagpuan sa Bunsuran 1st, Pandi, Bulacan. Ang mas malaki sa dalawang parsela ng lupa ay may sukat na 29,899 square meters at sakop ng Transfer Certificate of Title No. T-89712. Samantalang ang mas maliit na parsela ay may sukat na 6,980 square meters at sakop naman ng Transfer Certificate of Title No. T-89715. Ang dalawang parsela ng lupa ay may pinagsamang sukat na 36,879 square meters.
Batay sa dalawang magkahiwalay na kasulatan ng bilihan na ninotaryo pa sa Quezon City, ang nakabili ng nasabing mga lupa ay isang nagngangalang ELIZABETH J. SALAZAR na taga San Jose Del Monte City, Bulacan. Ang mas malaking parsela ay nabili niya sa halagang Php1,195,000.00 samantalang ang mas maliit na parsela ay nabili naman niya sa halagang Php628,200.00.
10 JANUARY 2011
Binayaran di-umano sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Capital Gains Tax at Documentary Stamp Tax para sa nasabing bilihan makalipas ang halos labing-walong (18) taon matapos magkabilihan noong 02 February 1993. Nakapagtataka na walang anumang multa na ipinataw ang BIR (sa kabila ng kanilang patakaran na multahan ang alinmang ordinaryong transaksyon ng bilihan ng lupa kapag ito ay hindi naipagbayad ng buwis hanggang sa ika-limang araw ng susunod na buwan matapos manotaryo ang kasulatan ng bilihan).
27 JANUARY 2011
Ipinalabas di-umano ng BIR ang dalawang Certificates Authorizing Registration (CAR) na may numerong 201000053576 at 201000053575 kaugnay ng nasabing bilihan. (Ang CAR ay dokumentong ipinapalabas lamang ng BIR kapag nabayaran na ang karampatang buwis at ito din ang dokumentong kinakailangan ng Register of Deeds bago kanselahin ang titulo ng nagbenta ng lupa upang makapagpalabas ng bagong titulo sa pangalan ng nakabili).
13 MAY 2011
Pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Pandi ang Pambayang Kapasyahan Blg. 45-2011 kung saan binigyan ng kapangyarihan si Mayor Enrico Roque na bilhin mula kay Elizabeth Salazar ang bahaging 25,000 square meters na sakop ng dalawang titulo na may numerong:
TCT No. 040-2011002182
TCT No. 040-2011002179
na may pinagsamang sukat na 36,870 square meters para mapagtayuan ng Pandi District Hospital sa Bunsuran 1st. (Kung ang pagbabatayan ay ang kabuuang sukat nitong dalawang parsela ng lupa, ay tumutugma ito halos sa sukat ng dalawang parsela na binili ni Elizabeth Salazar mula kay Peregrina Ramos Lorenzo).
27 JUNE 2011
Nagpasa ang Sangguniang Bayan ng Ordinansa sa Pananalapi Blg. 67 kung saan naglaan ng TATLUMPU’T ANIM NA MILYON AT WALUMPUNG LIBONG PISO (Php36,080,000.00) para ipambayad sa lupang bibilhin para pagtayuan ng Pandi District Hospital.
13 JULY 2011
Inilipat o isinumite sa Tanggapan ng Punong Bayan ang nasabing Ordinansa sa Pananalapi Blg. 67.
18 AUGUST 2011
Nagpirmahan ng bilihan ng lupa sina Elizabeth Salazar at ang Pamahalaang Bayan ng Pandi, Bulacan na kinatawan ni Mayor Enrico Roque. NGUNIT SA HALIP NA ANG BILHIN AY ANG 25,000 SQUARE METERS NA NAKAPALOOB SA DALAWANG TITULONG TINUTUKOY SA KAPASYAHAN BLG. 45-2011 NG SANGGUNIANG BAYAN, ANG BINILI AY IBANG LOTE NA MAY SUKAT NA 22,550 SQUARE METERS AT SAKOP NG TCT NO. 040-2011009439 SA HALAGANG TATLONG MILYONG PISO LAMANG(Php3,000,000.00).
ANG MGA ALEGASYON NG MGA NAGREKLAMO
Ayon sa mga nagsampa ng reklamo, ang bilihan sa pagitan nina Peregrina Ramos Lorenzo at Elizabeth Salazar ay maanomalya sapagkat lumilitaw na hindi umano talaga nabayaran ang buwis sa BIR para sa nasabing bilihan batay sa mga sumusunod:
Nag-issue ng sertipikasyon noong 25 May 2011 ang Hepe ng Administrative Section ng BIR Regional District Office (RDO) 25-A na wala silang pinalalabas na Certificates Authorizing Registration na may numerong 201000053576 at 201000053575 na nabanggit sa itaas.
Nag-issue ng sertipikasyon noong 03 June 2011 ang Department Manager ng Land Bank (Sta. Maria, Bulacan Branch) na wala silang record ng anumang pagbabayad sa buwis kaugnay ng nasabing bilihan.
Nag-issue ng sertipikasyon noong 06 June 2011 ang Revenue District Officer ng RDO 25-A ng BIR na wala silang record ng pagbabayad ng buwis para sa nasabing bilihan ng lupa.
Iginigiit din ng mga nagsampa ng reklamo na maanomalya din ang bilihan sa pagitan nina Elizabeth Salazar at ng Pamahalaang Bayan ng Pandi sa mga sumusunod na kadahilanan:
Nilabag di-umano ni Mayor Enrico Roque ang kapangyarihang iginawad sa kanya ng Sangguniang Bayan nang ang bilhin niyang lupa ay hindi yaong ipinag-uutos sa Kapasyahan Blg. 45-2011.
Nagkaroon di-umano ng misappropriation of public funds nang ang biniling lupa ay may halagang Tatlong Milyong Piso lamang samantalang ang nailaan na pondo para sa lupang pagtatayuan ng Pandi District Hospital ay Tatlumpu’t Anim Na Milyon at Walumpung Libong Piso.
Ang lupang nabili mula kay Elizabeth Salazar ay tinayuan di-umano ng pribadong commercial building sa halip na ospital.
Ang Certificate Authorizing Registration (CAR) mula sa BIR para sa nasabing bilihan ay nauna pang maipalabas noong 05 August 2011 samantalang ang Capital Gains Tax at Documentary Stamp Tax ay nabayaran noong 22 August 2011.
Malaya po ang sinumang magnais na ito ay i-share. Salamat po. "  Unquote





* *  *  *  *  *

Photos of the unfinished Pandi District Hospital in Barangay Bunsuran 1st, Pandi Bulacan





* * * *

YouTube Video

Pandi District Hospital ang project na napako 


*  *  *  *  *


Walang komento: