PERMISSION TO POST
After how many months, I'm back.
Matanong ko lng bakit naging close group na ang SGP page? Di na ba kinaya ang mga pinopost ng opposition #progresiboPandi?
Matanong ko lng bakit naging close group na ang SGP page? Di na ba kinaya ang mga pinopost ng opposition #progresiboPandi?
Hindi lang dapat politics at likas na yaman ang focus ng group natin. Para sa akin kapag sinabing sagip pandi ay sinasagip natin ang bayan natin sa bawat posibleng problema na kinakaharap nito.
Hindi lingid sa inyo ang pabahay at ang mga taong nakatira dito. Sila ay parte na rin ng bayan natin. Karamihan sa kanila ay dito sa Pandi nakatira pero ang mga hanap buhay nila ay nasa maynila at iba pang kalapit na bayan.
Natutuwa po ako sa effort na ibinibigay ng ating mayor. Sa ngayon nakita ko na ilan sa mga pangunahing kalsada sa pandi ay nakikita kong mejo maayos na.
Pero may isang malaking tanong na gumugulo sa akin. Ito ay ang Transportation. Ung mga jeep o JODA na bumabyahe sa bayan natin.
Kung sasabihin ng iba na hindi natin problema ito. Nagkakamali po tayo. kung ang bayan natin ay tulad pa rin ng dati na walang pabahay at mga bagong tao na sinisikap na makibagay sa bayan natin ay maaring baliwalain po natin ang transportation.
Sa mga jeepney driver na bumabyahe ng balagtas-pandi, balagtas-siling matanda at balagtas-cacarong. Walang masyadong problema kasi hanggang 11pm-12am ay may bumabyahe pa pauwi dito sa pandi.
Pero pano ung mga jeep na Byaheng Sta. Maria-pandi, Sta maria-baliuag at sta maria angat? Sila ung masasabing problema dito sa bayan natin.
Bakit?
1) alam ng halos lahat na sa sta maria pinaka madaling sumakay ng bus papuntang cubao, divisoria at sta cruz. Pero napakadalang ng byahe ng GRUPONG SAMPA o mga jeep na byaheng sta maria. Kaya ung iba walang magawa. Gustuhin man nilang magtipid sa pamasahe ay magtricycle na lamang mula pandi hanggang sta maria. Dahil bukod sa sobrang dalang ng byaheng sta maria ay punuan pa pagdating na ng ibng barangay ng pandi.
Bakit?
1) alam ng halos lahat na sa sta maria pinaka madaling sumakay ng bus papuntang cubao, divisoria at sta cruz. Pero napakadalang ng byahe ng GRUPONG SAMPA o mga jeep na byaheng sta maria. Kaya ung iba walang magawa. Gustuhin man nilang magtipid sa pamasahe ay magtricycle na lamang mula pandi hanggang sta maria. Dahil bukod sa sobrang dalang ng byaheng sta maria ay punuan pa pagdating na ng ibng barangay ng pandi.
2) di lang ito sa byaheng sta maria pati na rin sa balagtas. Di lingid sa kaalaman ng marami na noong 2015 nagtaas ng sobrang taas ang gasolina. Kya nman ang mga jeepney driver sa manila at pati na rin sa bulacan ay nagtaas ng presyo ng pamasahe. At noong bumaba ang gasolina naging 7php nlng ang pamasahe s 1st 4 km. Opo. 7 pesos n nga po ung sinisingil nila kpag unang 4 km. Pero bakit ganun ang pamasahe mula Pinagkuartelan-pandi 10 pesos parin at pinagkuartelan to balagtas 25 pesos at pinagkuartelan to sta maria 18 pesos itong mga presyo ng pamasahe na ito ay presyo pa nung 2015 kung kailang nging 30 pataas ang diesel. Pero ito parin ang presyong sinisingil ng mga driver dito lng sa pandi kung kailan mababa na ang gasolina. May narinig pa akong isang dahilan ng driver "sa manila lng daw nagbaba ng presyo ng pamasahe." ano un? Lokohan pag nagtaas ng presyo ng pamasahe sa manila sasabay ang mga driver dito sa bayan natin ng pagtataas ng presyo. Pero pag nagbaba. Sa manila lng daw nagbaba ng pamasahe.
3) naisip mo ba kung bakit umaabot ng 10 pesos ang pamasahe from pandi to pinagkuartelan? Dahil sa taripa ng mga driver from pinagkuartelan to siling bata 1 km, from siling bata to mapulang lupa 1 km, from mapulang lupa to gulod 1 km at from gulog to poblacion or pandi 1 km. We have four 4 km only from kortel to pandi pero 10 php ang sinisingil. Think about dat guys. Ito pa from pandi to willow bend 12 php samantalang hindi nman sila umiikot o pumapasok sa loob ng willow bend. Ang willow bend po ay parte pa rn ng pinagkuartelan. Ito po ang isa pang kalokohan ng mga jeepney driver. Kung manggagaling ka ng kortel at bababa k ng gulod 10 pesos p rn ang sisingilin sa iyo imbis na 7 pesos lang. Ang galing d b?
4) balik tayo sa mga byaheng sta maria. Naranasan nyo n bng umuwi ng gabi at pagdating mo sa terminal nila sa sta maria ay wala ng jeep at sobrang daming pasaherong naghihintay. Nakakaloko diba? Matatanggap natin un kung ikaw ay pasahero tpos dadating ka sa terminal nila ng 9pm. Kso 7pm plang wala ng jeep. At kung may dumadating man ay paisa-isa kaya nag-uunahan ang mga pasahero. Ang kawawa dito ay ang mga babae, buntis, matatanda at bata.
Kaya panawagan sa pamunuan ng mga jeep na pumabyahe dito sa pandi. Ayusin nyo trabaho nyo. Kung di dahil sa mga pasahero wla kayong kikitain. Konting malasakit naman. Di na nga kayo naniningil ng tamang pamasahe tapos ganyan pa serbisyo nyo. Pakiayos lang po. Maawa kayo sa kapwa nyo mamamayan ng pandi.
Mga taga-Pandi na naghihintay ng Jeep tuwing madaling araw sa mga Public Passenger Jeep na biyaheng Angat/Baliwag - Pandi - Sta Maria